Reality No. 1: Naturingang bank for Agriculture ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philipines pero napakahirap maka-access ang ordinaryong magsasaka o mangingisda at mga small entrepreneurs sa mga bangko ng gobyerno.
Reality No. 2: Napakabagal mag process ng Loan Applications both ang LBP at DBP at inaabot ng mahigit isang taon bago ma-approve ang loan.
Reality No. 3: Ang daming Micro-Lending Programs ng gobyerno pero sa dami ng dinadaanan ng mga conduit Credit Coops or Rural Banks, mataas pa rin ang interes at mahirap din ma-access.
Reality No. 4: Pinakamabilis umutang sa Bombay at sa 5/6 kasi kapiranggot na papel lang pirmahan ng magsasaka, mangingisda o maliliit na negosyante, released agad ang pera.
Reality No. 5: Sa oras na nakautang na ang mga magsasaka, mangingisda o maliliit na negosyante sa 5/6 Lending, parang may nakatali ng lubid sa leeg nila.
Kailangan talagang magtatag ng isang totoong Bank for Farmers, Fishermen and Small Entrepreneurs kung gusto nating ma-address ang poverty sa Pilipinas at magkaroon tayo ng Inclusive Economic Growth.
May Proof of Concept na tayo na ginawa when I was Agriculture Secretary, the Production Loan Easy Access where beneficiaries were included in a digital database to determine the viability of their projects.
No collateral for production loans at 2% interest per annum and our repayment rate was over 90% with Cordillera vegetable farmers posting a record 100% repayment.
Kaya itong gawin and it could be successful with proper financial literacy program to back it up.
#KungGustoMaramingParaan!
#GovernanceIsCommonSense!
#KandidatoNumeroSingkwentayDos!
Official Website
More Stories
Practical Farming: Turn Used Plastic Containers Into Life-Time Laying Nests!
Kapehan With Pareng Gob
Bignay Wine, Vinegar Maker: Ito Dapat Bigyan Ng Ayuda!