January 22, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

Usapang Magsasaka! Isang Gabing Masaya Sa Aliaga, Nueva Ecija

Noong Lunes ng gabi, on the way back to Cuyapo, Nueva Ecija from a farmers‘ caucus in San Miguel, Bulacan, I was asked to drop by the town of Aliaga where a local political party was having a meeting of leaders and farmers.
Ang sabi kasi ni outstanding farmer Danilo Arcales Bolos, mga followers ko daw sa YouTube at Facebook ang mga lideres ng Aliaga at gusto nila akong makita ng personal.
Nakilala ko ang dalawang mga batang politiko na tumatakbo sa lokal ng posisyon, si Gilbert Moreno for Mayor and Win Javaluyas for Vice Mayor, ganoon din ang dating mayor na si Boy Moreno at mga kandidato sa pagka-konsehal.
They asked me to speak for 10 minutes before a crowd of farmer leaders and barangay chairmen and officials but it lasted for about 30 minutes.
While we talked about the problems confronting our farmers and the agriculture sector, we had a blast as my audience enjoyed my “Farmers’ Jokes.”
Naghagalpakan sila ng tawa sa recommendation ko na gumamit ng dahon ng Makahiyang pula ang tangkay instead of Viagra at ang pagpili ng tandang na manok na malakas magkasta.
For a while, nakalimutan ang mataas ng presyo ng Abono at mababang bili ng kanilang palay.
But I ended my speech with a statement which gave them hope.
“Kapag may awa ang Panginoon at mailuklok tayo sa Senado, sa unang araw ng sesyon, I will move for the amendment of the Rice Tariffication Law and propose a Fertilizer Subsidy Program to help our farmers overcome the fertilizer crisis affecting your production,” ang sabi ko sa mga magsasaka.
Pumalakpak sila, ngumiti sabay sigaw: “Kailangan manalo ka at ikaw ang aming pag-asa.”
Hindi ko po kayo bibiguin mga taga-Aliaga, kasama na ang ibang mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa.