The National Confederation of Irrigators Association, Inc., which counts over 1,000 chapters with 1.5-million members, yesterday formally issued a Commitment of Support for our Senate bid in the May 2022 elections.
This is a big boost to our effort to bring our agriculture advocacies to the halls of the Senate where these could be transformed into legislations which would ensure food sufficiency and security in the country.
Here is the transcribed text of the NCIA Commitment of Support:
“Pahayag ng Pagsuporta ng National Confederation of Irrigators Association (NCIA) kay Dating Kalihim ng Agrikultura Manny Piñol sa Pagtakbo nito bilang Senador ng Bansa.
“Kaming nagkakaisang Samahan ng mga Irrigators Association sa buong bansa ay nagpapahayag ng aming taos-pusong pagsuporta sa kandidatura ni. dating Agriculture Secretary EMMANUEL “MANNY” PIÑOL sa pagka-Senador sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022.
“Saksi kami sa husay at kakayahan ni Secretary Piñol. Naniniwala kami sa kanyang mga adhikain na paunlarin ang industriya ng palay at matulongan kaming mga magsasaka sa di makatarungang pagdagsa ng imported na bigas at ang pagtaas ng presyo ng mga farm inputs.
“Alam namin na si Secretary Piñol, sa pamamagitan ng suporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at dating Senador Loren Legarda, ang siyang nagpunyagi upang maipatupad ang Free Irrigation Act.
“Batid din naming isa sa mga adhikain ni Secretary Piñol ay palawakin pa ang mga palayan na mabibigyan ng patubig sa pamamagitan ng Solar-Powered Irrigation System.
“Higit sa lahat, naniniwala kami sa liderato, katapatan at kakayahan ni Secretary Piñol na ma-rebisa, ma-amyendahan ang Rice Tariffication Law na siyang nagpabagsak sa pamumuhay ng ating mga kasaping magsasaka.
“Bilang pagpapakita ng suporta kay Secretary Piñol, ipinapangako naming personal kaming mangangampanya hindi lamang sa aming mga kasapi at pamilya, kundi pati na rin po sa aming mga kaibigan, kamag-anak at mga manggagawa.
“Naniniwala kami na ang tagumpay ni Secretary Piñol bilang Senador ay tanda ng pag-ahon ng mga magsasaka sa pagkakasadlak sa kahirapan sa mahabang panahon. Ito ay hudyat ng pag-asa at tagumpay ng mga magsasaka ng buong bansa.
“Sa ngalan ng nagkaka-isang National Confederation of Irrigators Association.
“Fernando G. Cristobal, Secretary, NCIA.”
More Stories
Breadfruit Grows Fast In My Dreamed Food Forest!
From The Town Of Hornbills To The City Of Fruits & Highland Springs!
After A Learning Tour,