January 14, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

Demolishing lies! “THE CAMERA NEVER BLINKS!”

Critics of the administration have accused me of bringing with me riot policemen when I went to the house of the boat owner in San Jose, Mindoro; of scolding cook Richard Blaza when he came to my office with the boat owner on June 17 and of intimidating the 22 fishermen during my meeting with them on June 19 in San Jose.
Sasagutin ko lahat ng mga kasinungalingan na ito na may ebidensya.
Lie No. 1:
May dala daw akong mga riot police pagpunta ko sa bahay ni Mrs. Arlinda dela Torre noong June 19, 2019 para kausapin siya at ang 22 mangingisda ng F/B GEM VER 1.
Ang sagot ko:
Heto ang video na hiningi ko sa field reporter ng UNTV News & Rescue na nakita ko na kumukuha ng footage ng aking pagdating sa area at makikita na wala akong kasamang mga pulis.
Ang nasa video na ito ay ang Undersecretary ng BFAR Eduardo Gongona at Undersecretary Alex Lopez ng DOE, representing Sec. Al Cusi na syang CORDS for MIMAROPA Region. Also in the footage is the army brigade commander in Mindoro.
Sa likod ko na may bitbit na laptop bag ay ang aking kaisa-isang security officer, retired police sergeant Arnold Vido na walang dalang baril.
I was told na noong nasa loob na ako ng bahay at nakikipag-usap sa mga mangingisda, saka dumating yong mga pulis. Hindi ko sila nakita at hindi ko alam kung sino ang nag desisyon na magpadala ng pulis.
I am declaring in all honesty that I had nothing to do with their deployment, I never asked for any police escorts and there were no policemen when I met with the fishermen and boat owner inside the house.
Sa mga nakakakilala sa akin, alam nila na wala akong police secuity at ang sumasama lang sa akin sa aking mga provincial sorties ay dalawang aide, isang lalaki at isang babae.
Hindi ako mahilig sa security protocols at ayaw ko rin na may “wang-wang” na pulis escorts kapag pumupunta ako sa probinsya.
Salamat sa UNTV video sapagkat ito ay patunay na kasinungalingan ang sabi nilang may dala akong riot policemen pagpunta ko sa area.
(Video courtesy of UNTV News & Rescue, Mindoro Occidental.)
https://www.facebook.com/100044577333084/videos/357861478260788