Maraming nagtatanong sa akin kung paano ko daw maipaliwanag sa mga residente ng malalaking siyudad, lalo na sa Metro Manila, ang kahulugan ng aking adbokasiya na Pagkain at Trabaho sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Abot-Kayang Presyo Ng Pagkain Para Sa Mga Pamilya Ng Metro Manila at iba pang mga malalaking lungsod ang magiging resulta ng aking adbokasiya.
!. Ang pagpaparami ng produktong pagkain ng mga lokal na food producers ay mangangahulugan ng sapat na supply para sa merkado;
2. Para magiging abot-kaya ang presyo ng naturang mga pagkain, kailangang baguhin ang ating food marketing system na hanggang ngayon sa hawak pa rin ng mga middlemen at traders;
3. Ang pagpapagawa ng mga rural roads, maiiksing tulay at pagsasaayos ng mga post-harvest facilities lalo na mga fish-landing ay magpapababa ng cost of transport ng mga produkto mula sa probinsya papuntang malalaking siyudad.
Very critical in this advocacy is the radical reform in our marketing system in the Philippines which is so antiquated that it is controlled by dicers, middlemen and traders.
Sa problemang ito, ibabalik natin at palalawakin ang operasyon ng Food Terminal Incorporated, isang government-owned and controlled corporation na itinatag noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa mga food production regions, dapat merong Food Consolidation Centers na mamimili sa ating mga magsasaka at mangingisda ng mga pagkaing kailangan sa malalaking siyudad.
Dahil wala nang mga dicers at mabilis ang pagdala ng mga produkto na lulan sa mga refrigerated na barko o mga trucks, magiging mababa ang presyo para sa mga consumers.
Meron na tayong template or proof of concept dito at ito ay ang mga ginawa nating TienDA noong ako ay Secretary of Agriculture at MinDA Tienda noong ako sa Chairman ng Mindanao Development Aiuthority.
Napatunayan natin na kapag direktang dinadala ang mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda sa malalaking siyudad, magiging mababa ang presyo ng mga ito.
Kailangan talagang pakialaman ng gobyerno ang food repositioning at logistics dahil tayo ay isang geographically fragmented country at napakataas ng bayad sa paghahakot ng pagkain mula sa bukid patungo sa hapag kainan ng mga pamilyang Pilipino sa malalaking siyudad.
Kung masigla ang ating Agriculture and Fisheries sector dahil may access sa merkado ang ating mga produkto, magkakaroon ng maraming trabaho sa kanayunan.
This strategy will ensure affordable and available food for the Flipino families while at same time create jobs in the countryside which would result in an inclusive economic growth.
#GovernanceIsCommonSense!
#KungGustoMaramingParaan!
(Video footage courtesy of DZRH.)
More Stories
Kapehan With Pareng Gob
Mlang Pomelo Industry On PTV Channel 4 Today!
Bignay Wine, Vinegar Maker: Ito Dapat Bigyan Ng Ayuda!