Kahapon, I spent the whole day with Presidential Candidate Panfilo “Ping” Lacson in visiting several agri-business industries in Cavite na natulongan nya as Senator.
Pinuntahan namin ang Amadeo Cafe, isang kooperatiba ng mga magsasaka na nag-po-process ng native ng kape Liberica at may halong Arabica at Robusta, at ang bahay ng 17 years old na batang lalaki, si Josh Mojica, na kung saan ay ginagawa ang sikat na “Kangkong Chips Original.”
Later in the afternoon, we proceeded to his 2-hectare farm in Silang, Cavite where we planted Abuyog Sweet Langka and Giant Bamboo propagules.
Nagtanong din si Senator Ping kung bakit lumiliit ang kanyang mga Tilapia at ang sagot ko ay nag-Inbreeding na ang mga ito.
Plano kong dalhin si Fil-Am Farmer-Scientist Rocky French sa farm ni Senator Ping para ayusin ang fishpond nya at para mag-set up ng Solar-Powered Irrigation using the rain pipes.
Tinuruan ko rin ang mga tao nya sa farm kung paano alagaan ang 5 Manok Pinoy breeders na ibinigay ko sa kanya, pati na ang iba pa nilang mga manok.
Napansin ko sa aming pag-uusap ang interes ni Senator Ping na makinig at matuto more about Agriculture.
Napakasarap ng pakiramdam ko bilang isang magsasaka na ang isang kandidato sa pagka-Pangulo ng Pilipinas ay intresadong makinig at matuto kung paano magtanim at kung paano magkaroon ng sapat na pagkain at maraming trabaho ang mga Pilipino through Agricultural Development.
Actually, before I decided to join the Senate race, I had briefed two other Presidential candidates – Mayor Isko Moreno Domagoso and Senator Manny Pacquiao – on Agriculture’s role in nation-building.
Wala naman talaga akong plano na sumabak sa labanan sa Senado dahil wala naman akong panggastos pero nang makita ko na ang mga tumatakbong Senador ay hindi masyado malalim ang kaalaman sa Agrikultura at Pangingisda, including Food Security through Self-Sufficiency, napilitan akong I-alay ang aking sarili.
Kung sakaling di man ako palarin, panalangin ko na manalo si Sen. Ping Lacson dahil dama ko ang kanyang interes sa Agrikultura at kaya nyang humawak ng lupa.
Kung kapwa kami hindi palarin, mananalangin pa rin ako na kung sino man ang manalo kina Bongbong Marcos, Leni Robredo, Isko Moreno at Manny Pacquiao, ay hindi nila makakalimutan na Pagkain at Trabaho ang talagang kailangan ng mga Pilipino sa panahong Ito.
#PangarapNgMagsasaka!
Farming with Ping! Presidenteng Magsasaka: Puede Kayang Mangyari?
![](https://mannypinol.com/wp-content/uploads/2022/03/Untitled-10.png)
More Stories
After A Learning Tour,
Former NPA Area Pilots Village Nursery, Free-Range Chicken Breeding & Goat Upgrading Program!
‘Toro Sa Barangay’ Goat Upgrading Program Starts In Luz Village, Mlang!