Naging kontrobersiyal ngayon ang pagkumpiska ng mga Quarantine Officers ng Bureau of Animal Industry ng 32 lata ng Maling mula sa isang OFW mula sa Hongkong.
Pumunta kay Raffy Tulfo ang OFW at humingi ng tulong at ang resulta ay namura ang aming mga Quarantine officers at lumalabas pang inapi nila ang OFW.
Ano po ba ang totoong kwento dito?
Last year, may pumutok na sakit ng baboy na maski di nakakaapekto sa tao ay deadly sa mga baboy.
Walang bakuna at gamot ang sakit na ang tawag ay African Swine Fever.
Kung hindi maagapan, maaring ma wipe out ang hog industry ng ating bansa.
Milyon-milyong baboy na ang namatay sa China kaya napilitan silang mag import mula sa ibang bansa.
Simula pa last year, bawal na pumasok sa Pilipinas ang pork and pork products mula sa China at ang Hongkong ay bahagi ng China.
Kalat ang balitang ito at hindi puedeng ikatwiran na hindi nila alam.
Sinabi ni Raffy Tulfo na meron naman daw Maling na binebenta sa Supermarket.
Posible yan sa 2 dahilan:
1. Maaring inangkat ito bago nag issue ng ban ang DA sa pagpasok ng pork and pork products from China August of last year.
2. We have to check the source of the canned pork luncheon meat kasi kung hindi galing sa China or Vietnam at legally imported, walang bawal dyan.
Just the same, we will deploy our Quarantine Inspectors with the help of the Department of Trade and Industry to conduct an inspection.
Hindi tina target ang OFW. Ang totoo nyan marami nang mga dayuhan ang nakunan ng mga karne.
Pinapalabas ngayon na kawawang-kawawa ang OFW dahil pinaghirapan nya ang pinambili nya ng Maling na galing sa Hongkong at kasalanan daw ng Department of Agriculture dahil hindi nagpalabas ng impormasyon.
Last year pa po, paulit-ulit na nagpalabas ng advisory ang DA through the Bureau of Animal Industry.
Sa exit areas ng mga airports ngayon, merong mga signage na bawal magpapasok ng karne na walang Quarantine Permit.
Mahigpit ang pagpapatupad. In fact, may ilalagay na nga na K9 units ang BAI.
At maski sabihin natin na hindi nakarating sa mga may dala ng karne ang impormasyon, hindi din yan dahilan para ipilit ang pagpasok ganoong sinita na sila ng quarantine.
Masyadong malaking panganib ang ASF sa ating mga magsasaka na nag-aalaga ng baboy.
Simple lang po ang choices natin: Kaawaan ang OFW na nahulihan ng 32 lata ng Maling o higpitan ang pagpapatupad ng Quarantine Laws para hindi madisgrasya ang isang industriya na nagkakahalaga ng P200-B at hanapbuhay ng libo-libong mga magsasaka.
Sana maintindihan po ito ng kinaukulan.
https://www.facebook.com/100044577333084/videos/606612289851047
More Stories
Practical Farming: Turn Used Plastic Containers Into Life-Time Laying Nests!
Super Bulb Onion Grown In Alamada, North Cotabato
Kapehan With Pareng Gob