From Batangas, the Biyaheng Senado Team drove all the way to San Fernando, Camarines Sur for an engagement with farmers‘ groups today.
Ito yong grupo ng mga magsasaka na nakatanggap ng Solar-Powered Irrigation System noong ako ang Secretary of Agriculture.
Dumating ang tropa sa San Fernando ng Ala-Una ng madaling araw at tinanggap kami ng mga lider ng magsasaka led by Jessie Abocado at Menhard Olivan.
Nag volunteer pa na maglamay para bantayan kami sa maliit na lodging house na aming tutulogan.
Sabi ko salamat pero di na kailangan.
Sanay ako bumiyahe na walang security at pumapasok sa mga kritikal na lugar dahil wala naman akong kaaway.
Ngayong umaga, tutuloy kami sa Libmanan upang makadaupang palad ang mga magsasaka at marinig ang kanilang mga hinaing.
Ang kanilang kahilingan at mga pangarap ay dadalhin natin sa bulwagan ng Senado, kung may awa ang Diyos.
#commitmentofthefarmboy!
#TouchGroundFeelThePulse!
More Stories
Breadfruit Grows Fast In My Dreamed Food Forest!
From The Town Of Hornbills To The City Of Fruits & Highland Springs!
After A Learning Tour,