One of the first reactors to the post I made about the Bangsamoro Mariculture Park was an Overseas Filipino Worker,
Ronaldo Allan C. Sanchez, who asked whether OFWs like him could also invest in the project.
“Sana pwedeng mag-invest ang mga OFW na katulad ko sa ganyang proyekto, yung hindi naman sobrang laki para afford ng mga tao. Gusto ko kasing kumita kahit paano sir habang nasa abroad pa,” Sanchez commented.
Actually, ang unang naramdaman ko ay awa pagkatapos ay paghanga.
Naawa ako dahil isa si Ronald sa milyong mga Pilipino na iniwan ang pamilya para kumita at napahanga ako dahil wala siyang ibang nasa isip kundi kung paano makaipon para sa kanyang pag-uwi.
Nakaramdam ako ng lungkot sapagkat may isa kaming kapatid, si Nilo, na isa ring OFW kasama ang kanyang pamilya sa Great Britain.
Although British citizen na sya at ang kanyang asawa, si Beverly, at mga anak, OFW pa din sila.
Dahil sayo Ronald at sa mga libo-libo pang mga OFWs na nagpapakahirap ngayon para maitawid ang pamilya, bubuo kami ng isang investment program para sa mga OFWs sa Aquaculture Project.
Sa totoo lang, maganda ang kikitain dito kaya lang gusto kong maniguro na hindi mawawala ang inyong mga pera dahil alam ko marami na sa inyo ang na-scam ng mga get-rich-quick investments.
Kakausapin ko uli si President Emmanuel G. Herbosa ng Development Bank of the Philippines para ituloy namin yong napag-usapan na namin na OFW Investment Fund to be managed by DBP.
Ang pamamaraan nito ay sa DBP OFW Investment Fund kayo maglalagak ng inyong pera for investments at DBP ang magpapahiram nito sa mga projects tulad ng OFW Mariculture Park.
Maliit lang ang tubo dito sa scheme na ito pero walang disgrasya ang pera ninyo.
Puede din natin i-package ang direct investments na direkta kayong maglalagak ng pera sa Mariculture Park Project na pamamahalaan ng isang mapagkatiwalaang investments management group.
Mas mataas ang risk nito pero mataas din ang ROI kasi direktang madedeklara sa inyo kung magkano ang magiging tubo ng pera ninyo taon-taon.
Bigyan nyo ako ng isang buwan at mabubuo ko na ang programang ito at magkakaroon kayo ng pagkakataon na kumita samantalang nasa ibang bansa kayo.
Pero ang pangako ko ay ang susunod na Mariculture Park Project na bubuohin ko ay para na sa mga OFW at ito ay maaring sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte o sa Olutanga Island sa Zamboanga Sibugay.
Just pray that everything will turn out right for us.
More Stories
Practical Farming: Turn Used Plastic Containers Into Life-Time Laying Nests!
Super Bulb Onion Grown In Alamada, North Cotabato
Kapehan With Pareng Gob