Pahayag ni Sec. Manny Piñol
Nitong mga nakaraang araw, umalma ang iilang mga magsasaka dahil bumalik sa dating presyo na P15 ang bilihan ng sariwang palay.
Marami kasi ang natuwa noong umabot ng P25 ang kilo noong nakaraang taon kasi nagkaubusan ng imported NFA rice.
Abnormal na presyo yon at nagresulta sa mataas na presyo ng bigas (times 2 kasi ang formula sa presyo ng palay at bigas) na inreklamo ng mga konsumidor at itinaas ng inflation.
Dahil doon ay naging masidhi ang panawagan na magpapasok ng imported na bigas para kumalma ang presyohan sa pamilihan.
Mahirap na balancing act o paninimbang ang gingawa ng Department of Agriculture.
Gusto nating kumita ang mga magsasaka pero kailangan hindi rin masyado tumaas ang presyo sa merkado at magwawala naman ang konsumidores.
Ngayon, tinatawag kaming mga inutil at walang silbi dahil mababa daw ang presyo ng palay at wala kaming ginagawa.
Ito ang sagot ko sa isang komentaryo ng nagsasabing tameme daw kami at walang imik at nagreresponde lang kung pinupuri kami.
—
@Thomas Atido ha ha ha! Binabasa ko actually pero ayaw nyo naman makinig sa paliwanag!
Makikinig ka ba?
Bueno, ang importation ng bigas dahil sa rice tariffication ay hindi ko desisyon o ng administration na ito.
Pumirma ang Pilipinas sa WTO maraming taon na ang nakalipas at pumayag na makapasok ang imported na bigas na may taripa na 35% to 50%.
Ang taripa ay ibabalik sa rice sector sa pamamagitan ng rice competitiveness enhancement fund o rcef na nagkakahalaga ng P10-B isang taon.
Ito ay ibibigay sa mga magsasaka sa ganitong pamamaraan: P5-B mechanization kasama na ang solar irrigation; P3-B para sa libreng binhi; P1-B para sa pautang at P1-B para sa skills training.
Inaasahan ng gobyerno na sa pamamagitan nito ay tataas ang produksyon ng mga magsasaka ng palay at mababawasan ang production cost dahil sa libreng binhi, irigasyon at makinaryas.
Ang pautang naman ay magagamit sa pagbili ng abono at inputs.
Kailangan tumaas ang produksyon natin mula average na 4-metric tons per hectare to 6-metric tons sa pamamagitan ng magandang binhi at tamang inputs.
Ang dagdag na 2 tons ay nangangahulugan ng dagdag na P30,000 per hectare maski P15 lang kilo at dagdag na P41,400 kung sa NFA ibebenta.
Bilang alalay sa presyo, ang NFA ay mamimili ng palay sa halagang P17 plus P3.70 na incentive.
Tutulongan din ng DA ang NFA sa pamamagitan ng pagpapatayo ng drying facilities at trucks.
Ang Rice Tariffication ay isasabatas at yan ay ipapatupad gustohin ko man o hindi.
Ginagawa lang namin ang makakaya namin para makatulong.
Sana maintindihan ito ng mga magsasaka.
Hindi ako naghihingi ng papuri at di ako naghahanap ng tagapagtanggol. Kaya ko ipagtanggol ang sarili ko dahil malinis ang aking hangarin at konsyensa.
Nakikinig ka ba?
(Ang larawang nakakabit ay hango sa pahina ng Philippine Daily Inquirer.)
More Stories
Breeding Season Starts!
Practical Tips On Cattle Feeding!
Bamboo Goat House Model Now Ready For Occupancy!