#SUREPANGASINAN
Mayroong 3,158 na maliliit na magsasaka at mangingisda mula sa 17 munisipyo at siyudad ng Pangasinan ang nabigyan ng zero-interest na pautang mula sa programang Survival and Rehabilitation ng DA-Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
Ang pamamahagi ay tinapos kahapon ng Nueva Segovia Consortium of Cooperatives (NSCC) na siyang nagsilbing daluyan ng pautang pangkabuhayan sa kanyang mga miyembrong nasalanta ng bagyo at habagat.
Sa tulong ng Loan Facilitation Teams mula sa ACPC, DA Ilocos Region, Provincial/Municipal/City Agriculture Offices ng Pangasinan, agarang nakumpleto ng mga magsasaka ang kinakailangang dokumento sa pangungutang.
Saludo kami sa nangyaring pakikipagtulungan!
Serbisyong SURE, ating maasahan!!!
https://www.facebook.com/100007024092115/videos/2256108141299967/
More Stories
‘The Road To Perdition Is Sometimes Paved With Good Intentions!’
Breeding Season Starts!
Practical Tips On Cattle Feeding!