January 25, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

Pasasalamat daw nila! Magsasakang Natulongan Ko Sponsor Ng Bulacan Caucus

Kahapon, nagsagawa ako ng isang Face-to-Face Caucus sa grupo ng mga magsasaka sa Barangay Mandile, San Miguel, Bulacan na dinaluhan ng mga 200 nga mga lideres kasama na ang iilang presidente ng Municipal Agriculture and Fisheries Council ng ibang bayan.
Napakaganda ng talakayan at nagkalakas-loob ang mga lider magsasaka na isangguni ang kanilang mga problema.
The most touching and meaningful part of the activity happened after the caucus which lasted for about two hours.
Nang itanong ng staff ko sa mga organizers na sina Armando Morales at Chak Abelardo kung magkano ang i-reimburse namin sa gastos pati na meryenda, ang sagot ay: “Hwag na kayong mag-alala. Kami na ang bahala dito. Bayad utang na loob namin ito kay Secretary Piñol.”
Si Armando Morales, na nag-imbita sa akin sa liblib na barangay ng Mandile sa San Miguel ay isang lider magsasaka na pumunta sa aking tanggapan noong ako ay Secretary of Agriculture.
Humingi sya ng tulong para maipagawa ang Farm-to-Market Road sa kanyang barangay dahil sumasayad sa putik ang tiyan ng kanilang kalabaw kung maghahakot sila ng ani.
Naawa ako sa naka-tsinelas na magsasaka kaya maski paano ay naisingit sa 2018 budget ang 500-meters na FMR na ngayon ay ginagamit na nila.
Napakaliit na bagay pero hindi ito kinalimutan ng mga magsasaka ng San MIguel at nangako silang tutulong at mangangampanya para masiguro ang ating panalo sa Senado.
Mga simpleng tao na may simpleng pangarap at simpleng kaligayahan.
May be an image of 11 people, child, people sitting, people standing and outdoors