January 22, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

Pasensya na po!

MGA TAGA SAN ESTEBAN, ALCALA, CAGAYAN, NAGPASALAMAT SA KAGAWARAN NG PAGSASAKA SA ALOKASYON NG SOLAR POWERED IRRIGATION SYSTEM
Hindi man natuloy si Agriculture Secretary Emmanuel F. Pinol sa San Esteban, Alcala, Cagayan kahapon sa kanyang pagbisita sa Cagayan, malaki pa rin ang pasasalamat ng mga magsasakang mamamayan doon.
Ito ay dahil sa Solar Powered Irrigation System (SPIS) na kanila ng ginagamit sa kanilang pagsasaka.
Ayon kay Punong Barangay Francisco Versola, marami ng mga pakinabang ang kanilang tinatamasa ngayon sa nasabing SPIS.
“Kung noon ay gumagastos kami ng malaking halaga sa krudo para sa irigasyon, libre na ngayon,” aniya.
“Dalawang beses na rin kaming nakakapagtanim ng palay sa loob ng isang taon mula sa isang beses lang.”
“Kami po ay nagpapasalamat ng marami sa DA sa pangunguna ni Secretary Pinol sa biyayang ito,” dagdag ng kapitan.
Ang San Esteban SPIS na nagkakahalaga ng P5.6M ay ang kauna-unahan sa buong lambak ng Cagayan.
No photo description available.