DULOT NG PROGRAMA: Bunga ng Pagsisikap ni Juan at Juana Magsasaka
Nakakatuwang makitang umuunlad ang mga kababayang ating natulungan sa programa ng gobyerno. Natuto po sila ng kaalaman sa pamamagitan ng libreng seminar at nakatanggap ng tulong sa pagsisimula ng kabuhayan.
Ang Back-to-Basics: Sustainable and Scientific Livestock and Poultry Production Seminar ay sinimulan ng National Livestock Program katuwang ang Agricultural Training Institute sa buong bansa noong nakaraang taon. Ito ay mula sa direktiba ng Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura, Emmanuel F. Piñol, na magsagawa ng malawakang seminars at maghatid ng kabuhayan sa maraming Pilipino.
Si Ginoong Domingo Vibar ng Polangui, Albay ay isa po sa libo-libong kababayan natin na unang naging benepisyaryo ng programang ito.
Ngayong taon, magpapasa si Ginoong Vibar ng mga manok sa susunod na benepisyaryo ng proyekto. Tinatayang libo-libo ulit ang makikinabang sa programang ito, lalo na at nakakonekta na ito sa DA MAPAGMALASAKIT Program na nagsasagawa ng malawakang seminars ukol sa paghahayupan.
Naging katulong din sa pag-unlad ng kanyang kabuhayan ang Provincial Veterinary Office ng Albay na nag-bigay din ng alalay sa Matik Program kasama ang ATI.
Tingnan ang report ni Binibining Lilibeth Latigay:
Inspiring Farmer recipient of the Back to Basics-Scientific and Sustainable Livestock and Poultry Development focusing on Free-Range and Itik Production and Management under DA-NLP Program through Ati RTC-V.
Mr. Vibar became interested to Poultry Production when he was able to recieve stocks and the technology under the Re:MATIK Project.
They are already selling their products which includes: Fertile Eggs and Chicks so if you also want to venture in Poultry Production feel free to visit and buy your stocks from them.
Congratulations in advance po sir Domingo NunezVibar. Thank you po for letting me visit your farm. Please contact Ms. Melanie Vibar Salomon-09126489407.
P. S. Thank you sir Nino Digay, kahit maulan ayan go parin at sinamahan niyo po ako. Salamat po. Super sipag talaga. God bless.
(CREDITS TO MS. LILIBETH LATIGAY)
More Stories
Breeding Season Starts!
Practical Tips On Cattle Feeding!
Bamboo Goat House Model Now Ready For Occupancy!