April 25, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

Salamat po, Mahal na Pangulo!

Last week, I wrote President Rody Duterte a letter tendering my resignation as a member of his Cabinet effective at the end of office hours on Oct. 5.
I thanked him for the opportunity to serve the country as his Agriculture Secretary from June 30, 2016 to Aug. 5, 2019 and as Chairman of the Mindanao Development Authority from Aug. 5, 2019 to Oct. 5, 2021.
Does my resignation and decision to run for a Senate seat outside of the party of President Duterte mean that I am parting ways with him or I am turning my back on him?
No, never.
Masyadong malalim ang personal ko na relasyon sa Pangulo. Nag-iisa syang Ninong ng aking bunsong anak na lalaki, si Bernhart Immanuel, at Ninong sa kasal ng aking panganay na anak, si Dr. Ma. Krista Piñol-Solis.
Mahaba ang aming pinagsamahan simula pa noong Gobernador ako ng Cotabato at Mayor sya ng Davao City.
Bagaman at meron syang pinirmahan na mga batas, tulad ng Rice Tariffication Law (RTL) na hindi ko sinasang-ayonan, alam ng Pangulo na ang paninindigan ko ay base sa aking paniwala na ito ay hindi nakakabuti sa mga magsasasaka ng palay.
Sa mga nagtatatanong kung bakit hindi daw po ako kasama sa ticket ng administrasyon, yan ay dapat sagutin ng grupo ni Sec. Alfonso Cusi na siyang nagpalabas ng mga pangalan ng kanilang mga kandidato sa pagka-Senador.
Simula’t-simula ay hindi man lang nila isinama ang ngalan ko sa listahan samantalang nababasa naman nila sa social media na merong kilusan ang mga batang magsasasaka na pinangungunahan ni Gabriel Hebron Francisco ng Zambales na humihimok sa akin na tumakbo bilang Senador.
Nitong nakaraang mga araw pagkatapos naming mag-usap na magkakapatid at mga supporters na kailangan ko tumakbo sa Senador upang pangalagaan ang mga magsasaka at mangingisda, nakapagdesisyon ako na bumalik sa aking dating political party, ang Nationalist People’s Coalition (NPC), na ang standard bearer ay si Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III.
Ngayon at nagdesisyon na ang Pangulo na hindi na tatakbo sa politika, mas lalong lumuwag ang dibdib ko sapagka’s sa tingin ko malaya na akong ipagpatuloy ang mga adbokasiya ko sa Agriculture.
I cannot turn my back on the President sapagka’t kung hindi sa kanya, hindi naman ako makikilala bilang isang Agriculture Advocate at hindi din naman maunawaan ng mga tao ang aking adbokasiya.
In the resignation letter I sent the President last week, I assured him that our friendship will remain steadfast and will never be affected by politics.
Again, I thank the President for the opportunity to serve the Filipino people and for categorically declaring that my service as Agriculture Secretary was never tainted with corruption.
Salamat sa imong pagsalig, Pangulong Duterte.
I will continue serving the Filipino people with utmost dedication and hard work.
#FrinedshipBeyondPolitics!