Ang lahat ng Rehiyonal na tanggapan ng Department of Agriculture ay inatasan na ibigay ang lahat ng mga Grains Dryers at Hauling Trucks sa National Food Authority (NFA) upang matulungan ang ahensya na makapamili ng palay mula sa mga magsasaka.
Matatandaan na ibinalik ang NFA sa ilalim ng DA noon lamang Oktubre ng nakaraang taon at ngayon lang naipapatupad ang mga pagbabagong ito sa ahensya dahil ang Chairman ng NFA Council ngayon ay ang Kalihim ng Agrikultura.
Marami ng mga Rehiyon ng DA ang nakapagbigay na ng Grains Dryers at Hauling Trucks sa NFA, subali’t kung ito ay hindi pa sapat, ipinag-uutos ko sa mga Tanggapang Rehiyonal ng NFA na gamitin ang ano mang pondo upang maka-upa ng mga hauling trucks at mahakot ang produkto ng mga magsasaka.
Meron pang karagdadagang mga dryers ang darating sapagkat nakatanggap ang DA ng P5-B mula kay Pangulong Rody Duterte bilang suporta sa National Rice Program noong December 28.
Ang perang ito ay gagamitin sa pagbili ng marami pang mga dryers at pangsuporta sa pagtatanim ng palay.
Dagdag pa rito, marami pang pondo ang darating mula P10-B Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na inaasahan naming I-release ng Department of Budget and Management (DBM).
Ang NFA ay kababalik lamang sa DA noong Oktubre at ginagawa namin ang aning makakaya maski na maikli ang panahon na magkaroon ng mga pagbabago sa ahensya.
Sa maikling panahon na nailipat ang NFA sa DA ay naitaas ang presyo ng pamimili ng NFA mula P17 bawat kilo “clean and dry” at ginawa itong P20.40 sa indibiwal na magsasaka at P20.70 sa mga kooperatiba.
Cash-to-cash na ang bayaran at wala nang maraming requirements na hinihingi. Bumibili na din ang NFA ng maski isang sakong palay.
Meron na ring pautang ang NFA sa pamamagitan ng DA Agricultural Credit Policy Council (ACPC) sa halagang P25,000 bawat ektarya at may hangganan na P50,000 bawat magsasaka sa interest na 3% bawat anihan at walang kolateral.
Bilang bagong Chairman ng NFA Council, siniguro ko rin na tuloy-tuloy ang pamimili ng NFA at ang pagbebenta nito ng murang bigas na P27 sa palengke.
Kamakailan lamang, ipinag-utos ng Pangulong Duterte sa DA na simulan na ang National Fertilizer Support Program na naglalayong makapamahagi ng pataba sa mga magsasaka sa ilalim ng “Roll-Over Scheme” upang tuloy-tuloy ang pagtanggap ng pataba bawat taniman.
Gusto ko pong iparating sa ating mga magsasaka na nakikinig po kami at handang gumawa ng mga hakbangin upang makatulong.
Ipagpaumanhin po ninyo ang mga pagkukulang.
Salamat po!
(Photos show the turn over of four hauling trucks by DA Region 12 to the NFA Buying Station in Baguer, Libungan, North Cotabato.)
See Translation
More Stories
Breeding Season Starts!
Practical Tips On Cattle Feeding!
Bamboo Goat House Model Now Ready For Occupancy!