January 17, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

What makes Duterte click? BAKIT GUSTONG-GUSTO NG MGA TAO NA MAGING PRESIDENTE SI DUTERTE?

Ni Manny Pinol
Last month, sa isang biglaang on-air survey na ginawa ng isang malaking estasyon ng radyo sa Metro Manila, hiniling ng anchorman ang kanyang tagapakinig na i-text ang pangalan ng kandidatong kanilang napupusuan na maging Presidente ng Pilipinas.
The list of names mentioned by the announcer included those often mentioned in the surveys. Kasama siempre doon si Vice President Jejomar Binay, si Grace Poe at iba pang mga kilala. Pero hindi kasama sa mga nabanggit ang ngalan ng Mayor ng Davao City Rody Duterte.
Suma total? Ang lumabas na Number 1 ay ang pangalan na hindi kasama sa listahan – Rody Duterte.
Kahit hindi sinasama ng mga survey groups si Duterte sa mga ginagawa nitong mga polling kung sino ang nangunguna sa contest para sa pagka Pangulo, umuusok at umaalingawngaw ang ngalan ng kontrobersiyal na Mayor ng Davao City.
Bakit gustong gusto ng mga tao si Duterte na hindi naman nagpapahayag ng interes sa pagtakbo bilang Pangulo.
Sa aking palagay gusto ng mga tao si Duterte hindi lang dahil walang bahid ng korupsyon ang kanyang pangalan kundi dahil dismayado at disappointed na ang mga Pilipino sa sistema ng gobyerno sa Pilipinas.
Kontrobersyal si Duterte. Nagmumura sa kanyang programa TV kaya marami kang maririnig na “bleep!, bleep! bleep!” tuwing nagsasalita sya.
Kontrobersyal si Duterte. Pinakain nya ng pekeng mga titulo ng lupa ang isang con-artist na nanloko ng mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbebenta ng pekeng titulo.
Kontrobersyal si Duterte. Meron daw syang personal na hinulog mula sa helicopter na drug dealer at sya mismo ang namuno sa grupo ng mga pulis na pumatay sa siyam na mga Tsino na nahuling nagtayo ng Shabu laboratory sa Davao City.
Kontrobersyal si Duterte. Kinakausap nya at kinakaibigan ang mga NPA at sya ang nilalapitan kung merong hostaged na sundalo o pulis. Kinakaibigan din nya ang MNLF at MILF basta pagpasok nila sa Davao City wala silang mga armas.
Kontrobersyal si Duterte. Hinuli at tiniketan ng kanyang mga pulis ang anak nyang si Atty. Sarah Duterte-Carpio na dating Mayor ng siyudad dahil sa overspeeding.
Kontrobersyal si Duterte. Minumura nya ang gobyernong America dahil pinapaliwanag sya sa diumano’y malupit na pamamamaraan nya ay pagsugpo ng droga. Anya sa mga Americano: “Why should I explain to you? I am not the mayor of Washington. I am the mayor of Davao City. Don’t tell me how to do my job. You cannot even solve your drug problems in America.”
Marami pang mga isyu na kinasasangkutan ni Mayor Duterte kaya sya kontrobersyal. Pag-usapan natin yan sa mga susunod ko na posts.
Sapat na muna na sabihin ko na sa kabila ng mga kontrobersiyang nabanggit ko na rito, mahal pa rin ng tao si Duterte.
Okey lang para sa kanila na magmura sya. Okey lang para sa kanila na natatagpuang patay ang mga drug dealers. Okey lang sa kanila na pinakain ng pekeng titulo ang taong nanloko ng mga mahihirap.
Basta, okey lang sa kanila.
Bakit kaya sa kabila ng mga ito ay gustong gusto ng mga tao si Duterte.
Kayo mga kaibigan ko ang magbigay ng inyong mga sagot.
Sige, simulan na natin.
Bakit mo gusto si Duterte?