January 20, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

Where’s the logic?

Paglabas ko ng NAIA ngayon after a 14-hour flight from San Francisco, I and my two companions were prevented by the Coast Guard officers from boarding my Pick Up en route to our Quarantine Hotel.
Hindi daw puede na sarili kong sasakyan ang gamitin ko papunta sa Quarantine Hotel where we will stay for six days.
Kailangan daw sasakyan ng hotel or designated taxi ang sasakyan namin.
Ang tanong ko, ano ang logic? Para hindi ko mahawa mga drivers ko kung COVID19 carrier ako?
Paano yong taxi driver?
Seeing that there was no point arguing with a Coast Guard personnel who was just following orders, the three of us decided to take a taxi to the hotel.
Sa likod namin, nakabuntot ang dalawang pick up na may dala ng mga baggage namin.
Pagdating sa hotel, nagkumpol kumpol ulit kami ng mga drivers ko sa pagdiskarga ng gamit.
Ang benepisyo na lang naging kaibigan ko ang taxi driver, si Reagan Teodore, na taga Capiz pero tubong Maynila.
Okey na rin at least kumita sya.
Pero di ko pa rin makuha ang logic ng polisiyang ito.
Kung ako mismo na dating Sekretaryo ay nahirapan sa polisiya na ito, paano kaya yong mga pauwing OFW at ibang biyahero.
Puede kaya i-review ito ng IATF?
#GovernanceIsCommonSense!