Ni Manny Pinol
Katatanggap ko lamang ng isang mensahe mula sa isa sa mahigit na 1.3 milyon na tagabasa ng Facebook page na ito at nagmumungkahi sya na kung maari daw ay isulat ko din sa Tagalog o wikang Pilipino ang mga posts ko.
Sabi ni Lloyd de Leon sa kanyang mensahe:
“Hello po idol gov manny! Lagi ko po binabasa ang mga articles nyo at natutuwa ako na may nagsusulat ng ganitong enlightening write ups about vice pres bid for the presidency. Ayaw ko rin po sya maging president. Si mayor duterte ang gusto ko kasi walang bahid corruption what so ever. May i suggest po that u have a tagalog translation of ur articles bec many simpe people here in my place still believe that binay is for president bec he is innocent. They believe in his rich vs poor ploy. Maganda pagmay tagalog version para mabasa din nila at maliwanagan. Tnx po idol!”
Ang totoo, matagal ko na ring naisip na magsulat ng mga artikulo sa wikang Pilipino o Tagalog. Nagkaroon lang ako ng agam-agam dahil hindi naman talaga ako bihasa sa wikang Tagalog.
Natuto lang ako ng Tagalog sa kababasa ko ng mga Komiks tulad ng Tagalog Klasiks at mga kwento ni Mars Ravelo noong akoy bata pa.
Medyo nahasa nang maige ang Tagalog ko noong akoy lumipat sa Manila noong 1978 at makapagtrabaho una sa Philippine News Agency bilang national editor at sa Tempo newspaper bilang senior copy editor.
Kung papayagan ako ng mga tagabasa ng Facebook page na ito na gumamit ng Tag-Lish o Tagalog na may halong English, mas madali kong magagawa siguro ang pagsusulat.
Ngayon pa man hihingi ako ng pang-unawa kung mangyayari man na hindi tama ang pagkasulat ko sa Tagalog.
Siguro para hindi naman ma-out of place ang mga tagabasa na hindi masyado nakakaintindi ng Tagalog, most of my posts will still be in English.
Kung merong mga artikulong gusto ninyo na isulat ko sa Tagalog, pakisabi nyo lang po sa comments box.
Maraming salamat po.
More Stories
Cotabato Food Republic: Master Plan 2025-2030
‘Billions For Ayuda Pero Bukid Walang Kalsada!’ (Last of 3 Installments)
Practical Cattle Raising In Backyard Paddocks (3rd of a Series) Brahman Best Breed For Tropical Countries