Ni Manny Pinol
May kasabihan ng mga matatanda na “Walang usok na puedeng kimkimin.”
Pagkatapos ng kanilang sunod-sunod na pahayag bilang pagtatanggol kay Vice President Jejomar Binay sa mga alegasyon na nagkamal ito ng salapi at namili ng malawak na lupain sa Batangas at rest house sa Tagaytay Highlands, muli naging abala ang kampo ng Pangalawang Pangulo pagkatapos lumabas ang isyu na may babaeng nagngangalang Grace Martinez na syang namili ng lupa ni Binay.
Ang ulat tungkol sa mahiwagang babae na si Grace Martinez ay inilabas ng TV Patrol ng ABS-CBN kagabi.
Ayong sa TV Patrol report ni Henry Omaga-Diaz si Grace Martinez diumano ang nag-ahente sa pamimili ng mga lupain na ngayon ay bahagi ng kontrobersyal na Hacienda Binay.
Heto ang link sa TV Patrol report sa youtube.com https://www.youtube.com/watch?v=D6eqbnfLjAE…
Kaagad pinabulaanan ni Antonio Tiu, isang Chinese-Filipino businessman na umangkin sa Hacienda Binay bilang kanyang pag-aari, at sinabing empleyada nya si Grace Martinez subali’t wala itong koneksyon sa mga Binay.
Subali’t katulad ng mga nangyari sa naunang pahayag ni Vice President Binay na hindi kanya ang Hacienda Binay na pinasinungalingan ng isang tape recorded interview ni Raissa Robles ng South China Morning Post at ng matandang sakitin na si Maria Guico, mukhang sabit na naman ang bagong depensa ng kampo Biinay.
Merong mga nagpadala sa akin ng iilang mga larawan ng isang babaeng sinasabi nilang si Grace Martinez na kasama nya mismo si Vice President Binay.
Kasama sa mga larawan ay isang screengrab ng Facebook page ng isang Grace Cueto Martinez na kung saan ay kinakamusta sya ng isang kaibigan na nagtanong kung sya na ba ang right hand man ni VP Binay.
Wala akong pamamaraan na makumpirma kung ang Grace Martinez sa larawang pinadala sa akin at ang Grace Martinez na kasama sa kontrobersya ngayon ay iisa.
Pero sa kawalan ng ibang patunay, inilalabas ko itong mga larawan na ito upang makumpirma o mapabulaanan.
Sya ba ang Grace Martinez na ahente ng mga lupaing diumanoy binili ni Vice President?
Kung sya nga, isa na namang pagsisinungaling ang ating na nadiskubre sa pamamagitan ng tulong ng mga taong ang adhikain ay pumili ng lider na matapat sa Dios, sa tao at sa bayan.
![](http://mannypinol.com/wp-content/uploads/2022/01/1782547_719533758129096_5524300669844191366_o-300x188.jpg)
![](http://mannypinol.com/wp-content/uploads/2022/01/397529_719533954795743_4228533873202668557_n-300x200.jpg)
![](http://mannypinol.com/wp-content/uploads/2022/01/10255425_719534374795701_1467368065857400360_n-300x200.jpg)
More Stories
Cotabato Food Republic: Master Plan 2025-2030
‘Billions For Ayuda Pero Bukid Walang Kalsada!’ (Last of 3 Installments)
Practical Cattle Raising In Backyard Paddocks (3rd of a Series) Brahman Best Breed For Tropical Countries