May nag-post ng video sa social media na ipinapakita ang isang lalaki na gumagawa ng streamer para ikampanya ang aking kandidatura gamit ang katsa ng harina.
Noong makita ko ang video, ipinatanong ko kung sino sya at bakit ganoon kasidhi ang kanyang pagtulong sa aking kandidatura sa pagka-Senador.
Nakilala sya na si Rodel Delgado, mataas ang pinag-aralan, isang Batangueño na may-ari ng isang tricycle na pampasahero.
Noong tinanong sya ng kapatid ko na si Bong kung bakit sya sumusuporta, ito ang kanyang kasagutan:
Ang pahayag na ito ay punong-punong nang pananampalataya sa aking mga adbokasiya.
Hindi ko maaring biguin si Rodel Delgado at ang marami pang tulad nya na naniniwala na ang aking tagumpay sa eleksyon ay simula ng pangingibabaw ng boses ng mga maralitang magsasaka, mangingisda at manggagawa na naa-alala lamang tuwing panahon ng eleksyon.
I am dedicating this struggle to all Rodel Delgados and I promise I will not fail you.
#BosesNgMgaPilipino!
More Stories
Mlang Airport Remains Unused 21 Years After It Was Constructed!
United & Solid For Cotabato!
Pareng Gob Live Broadcast Over 9 Stations 12 Nn Today