May mga nagsasabi na ang Green Philippines Advocacy ko daw ay pamamaraan ko lang para mangampanya sa pagka-Senador.
Partly correct, partly inaccurate.
Actually, noon pa mang Gobernador ako, involved na ako sa protection ng kagubatan, lalo na sa Mt. Apo.
When I became Secretary of Agriculture, I issued a 2017 Administrative Order making Tree Farming as an agricultural activity under the High Value Crops Program.
Siguro nga, nakakatulong sa aking kampanya ang pamimigay ng planting materials ng Giant Bamboo at mga prutas.
Honestly, wala kasi akong pera for TV ads, malalaking billboards at NLEX at SLEX at tarpaulins kaya naisip ko seedlings na lang ang ipakalat ko sa boung bansa.
Kahit hindi ko matatakan ng pangalan ang mga dahon, at least pag may nakita silang kawayan na tumutubo, maalala nila ang Green Philippines Advocacy ni Manny Piñol.
At saka pagkatapos ng eleksyon, magiging basura na ang mga tarpaulins.
Manalo o matalo man ako, ang Giant Bamboos ay yayabong at mamayagpag at makakatulong sa pagpanumbalik ng luntiang mga kabundokan.
Ito ang simula ng Green Philippines at ng bagong national industry, Engineered Bamboo Processing.
This will be my lasting legacy for the generations of Filipinos to come.
#GovernanceIsCommonSense!
#KungGustoMaramingParaan!
![](http://mannypinol.com/wp-content/uploads/2022/01/271756817_480773873418520_454510834662475733_n-300x171.jpg)
![](http://mannypinol.com/wp-content/uploads/2022/01/271832698_480773760085198_1439587410723277782_n-300x200.jpg)
More Stories
Mlang Airport Remains Unused 21 Years After It Was Constructed!
United & Solid For Cotabato!
Pareng Gob Live Broadcast Over 9 Stations 12 Nn Today