January 13, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

Income Sa Artificial Insemination Pinagawa ng Tarps!

The spirit of volunteerism among farmers and agriculture stakeholders to support my Senate bid is reaching a level of contagion.
Una, mga magsasaka sa Central Luzon na apektado ng RTL na pinangungunahan ni Dan Bolos at Jun Alba ang nagpagawa ng tarps at t-shirts.
May isa ding magsasaka at tricycle driver, si Rodel Delgado, at gumawa ng streamer gamit ang katsa na pininturahan nya ng ngalan ko.
Noong kamakalawa, isang magsasaka ng Kalabasa, si Carmelita Caga, ng Alfonso Lista, Ifugao, ang nagbenta ng 5 tonelada para makapagawa ng tarps at makabili ng tshirts suporta sa kandidatura ko.
Sinundan ito ng isang anak ng isang yumaong magsasaka na laging nalugi dahil mahal ang abono at mura ang bili ng kanyang produkto.
Binenta ni Chad Lauron ang kanyang unang harvest ng Lakatan para magpagawa ng tarps.
Ngayon naman, nabasa ko ang post ng isang livestock technician sa Surigao City, si Bert AI, na ginamit ang kanyang kinita sa artificial insemination para ipagawa ng tarps na sya din ang nagkabit.
These are very touching manifestations of support by people who have not even met me but who believe that my advocacies for Food Self-Sufficiency and less dependence on importation will give the respite from the hardships in their lives.
Maraming salamat sa inyo.
Hindi ko kayo bibiguin.