I am endlessly amazed and deeply touched by the efforts of people, most of whom I have not even met, to support by candidacy for the Senate.
Alam nila na wala akong resources at purely response to a call of duty ang ginawa kong pagtakbo bilang Senador.
May naglalako ng isda na nagpagawa ng leaflets ko at ibinibigay sa kanyang mga customer, may taxi driver na nagpaskil ng ngalan ko sa dashboard para mabasa ng pasahero, may nagpintura sa katsa, may mga nagsasaka na nagpagawa ng tarpaulins gamit ang benta ng kanila produkto, may mga professionals na naniniwala sa aking adbokasiya at sila na nagpapakabit ng mga tarpaulins sa tricycles at marami pang iba.
Ito namang isang kaibigan ko at inaanak sa kasal, journalist, international judge at agri-preneur, si Salven Lagumbay ng Cebu at Tudela, Misamis Occidental ay nagpagawa ng bagong label sa kanyang organic coconut vinegar.
Ang kanyang vinegar brand na “Asimtomatik” ay merong baong label na kasama ang aking numero.
Alam ko hindi ko kayo makamayan lahat at mapasalamatan at ang tangi kung “bayad” sa inyong hirap at suporta ay ang isang matapat na paglilingkod sa bayan.
Maraming salamat sa inyo at sana ay patnubayan tayo ng Panginoon sa atig adhikaing makatulong sa bansa.
More Stories
Mlang Airport Remains Unused 21 Years After It Was Constructed!
United & Solid For Cotabato!
Pareng Gob Live Broadcast Over 9 Stations 12 Nn Today