Nagpasiya na po ang mamamayang Pilipino at nakapili na sila ng magtataguyod ng ating pamahalaan sa susunod na mga taon.
Inalay natin ang ating sarili upang makapagsilbi subalit hindi tayo napili at yan ay isang bagay na dapat nating tanggapin ng maluwag sa loob.
Gusto ko lang pong pasalamatan ang lahat ng mga tumulong sa ating adhikaing maiahon at mapaunlad ang Agrikultura at Pangingisda sa Pilipinas.
Hindi ko makakalimutan ang ginawa ng ating mga lider magsasaka, mangingisda at mga manggagawa na naging bahagi ng kampanyang ito.
Alam ko ang dinaanan ninyong hirap, gamit ang inyong kaunting ipon para makapagpagawa ng tarpaulin, at ang pag-ikot ninyo upang makapangumbinsi, init man o ulan.
I cannot embrace all of you and tell you how much I appreciate your sacrifices.
Hindi man po tayo nagtagumpay sa eleksyon pero hindi ito nangangahulugan na hihinto na ang ating pakikibaka na madinig ang ating boses.
Itutuloy po natin ang ating Green Philippines at ang ating Food Self-Sufficiency Advocacy.
Magpapatuloy po ang ating Giant Bamboo Program at maghahanap ako ng paraan upang mapalaganap ito sa boung Pilipinas.
Doon po sa mga nakatanim na ng Giant Bamboos, alagaan po ninyo ang mga iyan at palatandaan iyan ng aking tunay na pagmamahal sa bayan.
Nagpapasalamat din ako sa Panginoon at sa loob ng 90 araw na pangangampanya ay ginabayan nya ako upang hindi makapagbitaw ng masakit na salita o paninira laban sa aking mga kapwa kandidato.
Maraming salamat sa inyong lahat.
May God bless us all!
#LoveOfTheFarmBoy!
Official Website
More Stories
Mlang Airport Remains Unused 21 Years After It Was Constructed!
United & Solid For Cotabato!
Pareng Gob Live Broadcast Over 9 Stations 12 Nn Today