Sa edad na 68, meron pa akong nalalabing mga 10 hanggang 12 taon na malakas pa ang aking katawan at matalas ang pag-iisip.
Paglagpas dyan, baka hindi ko na alam bilangin ang aking mga daliri.
Marami akong magaganda, praktikal at madaling gawing mga ideya kung paano natin makamit ang food sufficiency sa bansa at ang pagkakaroon ng maraming trabaho at ito ay napatunayan na.
Sa katotohanan, ang isa sa mga programa na ako mismo ang nagdisenyo noong ako ay Gobernador ng North Cotabato, ang Special Area for Agricultural Development o SAAD, na ngayon ay national program ng Department of Agriculture ay pinuri ng NEDA na isa sa pinaka-epektibong Poverty Alleviation Program ng gobyerno.
Sa loob ng 26 na taon na ako ay nagsilbi bilang lingkod bayan, hindi ako nabahiran ng kaso ng korapsyon at naging tanging Kalihim na boluntaryog sumailalaim sa Lifestyle Check ng Presidential Anti-Corruption Commission at napatunayang walang tagong yaman.
Wala po akong pondo para sa mga TV Ads at malalaking billboards at kung meron man kayong makita, iyan ay tulong ng mga kaibigang naniniwala sa aking adbokasiya na Pagkain at Trabaho.
Gusto ko lang pong makapagsilbi sa bayan at magamit ang aking sipag at talino upang makakatulong sa pagbabago ng buhay ng ating mga kababayan.
Kaya heto ako, iniaalay ko ang nalalabing taon ng aking buhay upang makapagsilbi bilang mambabatas sa Senado ngayong 2022.
Gamitin ninyo ako at ang aking taglay na talino, sipag at prinsipyo sa paghubog ng mga polisiya at paggawa ng mga batas na makakatulong upang magiging magtagumpay ang ating bansa sa adhikaing magkaroon ng sapat pagkain at hanapbuhay para sa mga Pilipino.
Makaka-asa kayo ng isang tapat na paglilingkod na sumusunod sa Banal na Kautusan ng ating Panginoon.
Salamat po.
Emmanuel F. Piñol, PhD
NPC Senatorial Candidate
Jan. 12, 2022 Kidapawan City, North Cotabato
More Stories
Mlang Airport Remains Unused 21 Years After It Was Constructed!
United & Solid For Cotabato!
Pareng Gob Live Broadcast Over 9 Stations 12 Nn Today