January 18, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

Nakaka-iyak! Farmer Sells Kalabasa To Help My Senate Bid

May isang magsasaka sa Alfonso Lista, Ifugao ang nagbebenta ng 5 tonelada na kalabasa nya para makapagawa ng campaign tarps at t-shirts suporta sa kampanya ko.
Nabasa ko sa Facebook kanina ang post ni Carmelita Caga na nag alok ng Suprema Kalabasa na gusto nyang ibenta.
“Kalabasa Suprema for sale Proceeds to be used for printing shirts and tarpaulin for sir #MannyPiñol. Location Alfonso Lista, Ifugao. Wala KC ako pangkampanya kaya itong kalabasa nalang benta ko pang t-shirt at tarpaulin.”
When I read this I felt a lump in my throat realizing how desperate are many of our farmers, pinning their hopes on a candidate who they believe could represent them.
Hindi nag-iisa si Carmelita dahil sa maraming bahagi ng bansa, may mga magsasaka at mangingisda, pati mga agriculturists na gamit ang kakaunti nilang pera para makapagawa ng t-shirts at tarpaulins para ikampanya ako.
Ni hindi nila ako nakita o nakausap subalit buo ang loob nilang tumulong.
I am deeply touched and at the same time naaawa ako.
Maraming salamat sa inyo.
Hindi ko kayo bibiguin.
Hindi ako magnanakaw at ipagtatanggol ko kayo.
Makakamit natin ang minimithing maayang buhay para sa inyo, saganang pagkain at maraming trabaho para sa mga Pilipino.