January 12, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

Not For The Title! Prepared, Equipped And Ready To Serve

My journey across the country brought me and my team to three provinces over the last two days.
Noong Martes, nagpunta ako sa Dagupan City para mabisita ang isa sa mga suimusuporta sa aking adbokasiya, si former Cong. Eric Acuña, para pag-usapan ang kapasidad ng Organic Fertilizer production sector na mapunuan ang pangangailangan ng mga magsasaka ng abono dahil tumaas ng triple ang presyo ng inorganic fertilizer.
Dumaan ako sa Consignacion or consolidation area ng mga isda, lalo na ng Dagupan Bangus, sa pampang ng ilog Bomuan at nakita ko ang mga kinakailangan pang gagawin para tumaas ang level ng Bangus processing industry na nagbibigay trabaho sa mga Pangasinense.
Kahapon, tinungo ko ang Barangay Soledad, Sta. Rosa, Nueva Ecija upang makadaupang palad ang Mayor, Otep Angeles, at mga lider magsasaka.
Kumpirmado ni Mayor Angeles at ng mga lider magsasaka na talagang hirap sila dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay dala ng epekto ng unimpeded rice importation dahil sa Rice Liberalization Law or RTL.
Pagkatapos ay pinangunahan kami ni outstanding farmer Danilo Bolos at young farmer leader Gabriel Hebron Francisco sa pagpunta sa Guiguinto, Bulacan upang makipaghuntahan sa mga chairmen ng municipal agriculture and fisheries council at provincial agriculture and fisheries council.
Sa aking pag-iikot at pakikipag-usap sa mga taong ang buhay ay nakasalalay sa agrikultura at pangingisda, lalong nadadagdagan ang aking pang-unawa sa mga suliran na kinakaharap nila.
These experiences add up to the knowledge I have in my mind of the things that need to be done through legislation to ensure food sufficiency and provide jobs for our people.
Naniniwala ako na pagdating sa Senado, matutulongan ko ang ibang mga Senador na maunawaan kung ano ang kailangang gawing mga batas at polisiya upang umunlad ang agrikultura at pangingisda.
I do not claim to be the brightest but agriculture and fisheries is my boxing ring, my virtual arena and I am prepared for the task of crafting laws which would ensure food security for this country while at the same time ensuring income opportunities and jobs for our people.
Prepared, equipped and ready to serve.
#GovernanceIsCommonSense!