Bakit hindi ako kasama sa Uniteam?
Ito ang paulit-ulit na tanong ng mga followers ng Facebook page na ito na sumusuporta sa BBM-Sara at sumusuporta din sa akin.
Let me address this question once and for all.
1. Naitatag ang Uniteam tapos na ang filing ng COC Oct. 8. Remember, nag substitute lang si Mayor Sara as VP;
2. I believe in the Party System and originally, NPC ako and since the party standard bearers are Ping Lacson and Tito Sotto, I have to support them. Also, I believe in the Anti-Corruption Advocacy of Sen. Lacson;
3. Simpleng tao lang ako and I have made a commitment to join NPC so, hindi puedeng patalon-talon ako from one party to another just to win the elections. Masarap pakinggan at politically beneficial na maraming partido ang nagdadala sayo pero ang problema, how do you define your advocacies and programs?;
4. Lastly, even if I wanted to join them, I cannot come to the dining table uninvited. Ang ibig kong sabihin, even in the absence of all of the above reasons which would prevent me from joining them, hindi naman ako puedeng magsumiksik sa isang grupo na hindi ako ini-imbita.
I hope this clears up everything.
Sana matigil na yong mga comments na: “Iboboto sana kita pero maling grupo ang nasamahan mo.” o “Bakit nandyan ka? Dapat doon ka!”
Para tayong lukaret na inahing manok nyan na hindi malaman kung saan ang kanyang pugad at kalalabasan ay mabugok ang mga itlog na nagsisimbolo ng ating mga programa at pangarap.
At the end of the day, in electing our leaders today, huwag nyong tingnan ang mukha namin o kung sino ang aming kasama o barkada o kung magaling kaming kumanta, sumayaw o mag-joke.
Governance is not about singing, dancing or joking. It is a very serious matter.
Look at our programs and advocacies and check whether this would benefit you as a citizen of this country and our nation as a whole.
Tingnan ninyo ang mga programang inilalatag ko on Food Sufficiency, Job Generation, Rural Development at Inclusive Economic Growth.
Hindi ko kailangan maghanap ng away para maisulong ang mga programang ito at maski sino ang Presidenteng magwawagi, siguradong makabuluhan ang mga adbokasiya ko.
Hindi natin kailangan mag-away o mamintas ng kandidatong hindi natin napupusuan. Bagkus pasalamatan natin sila for offering themselves in the service of the country.
In essence, ang eleksyon ay isang proseso na kung saan binibigyan ang mamamayan ng kapangyarihan na magdesisyon kung saan patutungo ang ating bansa at kinabukasan ng ating mga anak at mga apo.
Huwag tayong pabubulag sa P500 o P1,000 sapagka’t kapag naubos na ang binili mong malamig na San Miguel Beer at mawala ang pagkalasing mo, kahaharapin mo na naman ang katotohanan na kailangan natin ng isang matuwid na gobyerno.
Sa bahaging akin, kung makakatulong ako at iboboto ninyo ako, magpapasalamat at magsisilbi ako ng tapat.
Kung hindi naman, at least nagawa ko ang aking obligasyon bilang isang Pilipino na magmamahal sa bayan, ang I-alay ang aking talino, puso at isipan para sa kabutihan ng ating bansa.
Kung hindi ako mapili na magsilbi, hindi ako magtatampo at babalik ako sa aking bukid bilang isang masayang magsasaka.
More Stories
Mlang Airport Remains Unused 21 Years After It Was Constructed!
United & Solid For Cotabato!
Pareng Gob Live Broadcast Over 9 Stations 12 Nn Today