Naniniwala si UP Professor Dr. Clarita Carlos na kaya ng mga magsasaka, mangingisda at manggagawa, kasama na ang mga OFWs, na magpanalo ng kandidato sa pagka Senador sa May 2022 Elections!
Ito ay pagkatapos nyang makita ang kusang loob na pagtulong ng mga ito sa ating kampanya sa pamamagitan ng pagbenta ng kanilang mga produkto para makapagawa ng mga campaign materials.
Ang mga OFWs naman ay nagsagawa din ng malawakang social media campaign bilang pagsuporta sa ating kandidatura.
“You will make history by getting to the Senate thru the help of farmers and fisherfolks who want you to fight for them. Soar higher,” sabi ni Prof. Carlos sa isang comment sa Facebook.
Si Prof. Carlos ay isa sa mga batikang political professors ng University of the Philippines na nakilala dahil sa kanyang mga matatalas ng mga pahayag sa kalagayan ng Pilipinas.
Sya ang main panelist sa matagumpay na SMNI Debates na ginawa kamakailan lang.
More Stories
Mlang Airport Remains Unused 21 Years After It Was Constructed!
United & Solid For Cotabato!
Pareng Gob Live Broadcast Over 9 Stations 12 Nn Today