There is absolutely nothing wrong with sourcing from other countries the items and commodities that our country does not have enough of.
What is wrong, tactically and morally, is when our government itself promotes and supports massive importation while neglecting and abandoning the local producers.
Ang sabi ng mga Economic Managers, kailangan ng “unimpeded importation” ng bigas at pababain ang tariff sa inaangkat na baboy at manok para bumaba ang presyo at maiwasan ang “inflation.”
Ang tanong: Bumaba nga ba ang presyo ng bigas sa palengke ng P7 kagaya nang ipinangako ng mga Economic Managers?
Ang presyo ng baboy at manok sa pamilihan, bumaba ba?
Maliwanag naman ang mga larawan at katotohanan na tumaas pa o walang ipinagbago.
Naramdaman ba ng mamimili ang kaginhawaan na dulot ng pagbaha ng mga imported na bigas, karne at manok?
Naintindihan o naramdaman ba ng ordinaryong Pilipino ang “inflation?”
Ang walang pakundangan na pag-angkat ng mga produktong kaya namang i-supply ng Pilipinong magsasaka at mangingisda ay makakasira sa Ekonomiya ng bansa at lalong magpapahirap sa mga Pilipino.
Isipin ninyo ito:
Sa pagtatanim ng palay at pag-aalaga ng baboy at manok, hindi lang yong magsasaka ang nakikinabang.
Sa rice production, nandyan ang operator ng kuliglig na kumikita, trabahante sa palayan, taga-ani, kargador, thresher operator o operator ng harvester, drayber ng truck, operator at may-ari ng rice mill, trabahante sa rice mill, ang feed mill na umaasa sa darak, ang mga trabahante ng feed mill at marami pang iba.
Sa bawat angkat ng baboy o manok, hindi lang magbababoy at magmamanok ang apektado kundi pati ang nagtatanim ng mais, ang tractor operator, ang taga-tanim ng mais, ang feed mill at mga manggagawa nito, ang drayber ng hauling truck at marami pang iba.
Kaya doon sa mga nagpupumilit na malaking tulong sa ekonomiya ang pag-angkat ng bigas, manok at karne, ang tanong na dapat nilang sagutin ay: at what cost?
Ilang Pilipinong magsasaka ang nawalan ng kita at ilang mga manggagawa ang nawalan ng trabaho?
Allowing and enabling massive importation to address inflation is a very sad and very wrong policy because it deprives Filipinos the opportunity to find jobs and earn, especially now when the pandemic has caused us so much difficulties.
Besides, buying imported goods and commodities drains the country of the needed money which could have been spent here to stir the economy back to life.
Let’s import yes.
But it should be tempered so that we don’t end up killing our local industries and hurting our local producers.
#ThoughtsOfTheFarmBoy!
#GovernanceIsCommonSense!
(Attached photos were downloaded from public websites. ctto)
More Stories
Practical Tips On Bio-Security In Free-Range Chicken Farming!
Breadfruit Grows Fast In My Dreamed Food Forest!
From The Town Of Hornbills To The City Of Fruits & Highland Springs!