On Saturday, Manok Pinoy, a strain of free-range dual purpose chicken which I bred 12 years ago, was introduced to a man who could be President of the country.
I gave Senator Ping Lacson six heads of ready-to-breed Black Manok Pinoy to be raised in his 2-hectare farm in Silang, Cavite and provided instructions to his farm hands on how to raise the chicken.
Kasama sa advocacy ko to improve agriculture in the Philippines is my campaign to educate our key leaders and decision makers on the importance of food self-sufficiency.
For the free-range chicken advocacy, ang pangarap ko na sana ang bawat pamilyang Pilipino in the rural areas ay may alaga na maski sampung manok lang na nangingitlog at puedeng katayin ang mga anak nito para makabawas sa gastusin sa pagkain.
Para magtagumpay ang proyektong ito, kailangan talagang maturuan ang mga ordinaryong pamilya kung ano ang mga pangkaraniwang sakit ng manok at paano ito lulunasan, at paano maparami ang kanilang mga alaga.
Kailangan din ito ng suporta ng gobyerno because there is a need for regular barefoot livestock and poultry technicians trained in these fields to conduct periodic visitations of the farming families and monitoring the status of the chicken.
Ang katotohanan ay marami pa ang hindi nakakaunawa kung bakit nagkakasipon ang manok, ano ang gagawin para maiwasan ang mga peste at sakit at kung paano mag-alaga ng sisiw.
Para gawing national program ito, kailangan naiintindihan ito ng ating mga matataas na opisyal sa gobyerno na siyang gumagawa ng desisyon kung aling direksyon ang pupuntahan ng ating Food Self-Sufficiency Program.
Hindi lang dapat Farmers‘ Education ang kailangan para sa tagumpay ng ating Food Sufficiency Program.
Mas mahalaga ang Leaders’ Education sapagkat sila ang gumagawa ng budget allocation para sa ating mga proyekto.
More Stories
Kapehan With Pareng Gob
Bignay Wine, Vinegar Maker: Ito Dapat Bigyan Ng Ayuda!
OFW’s Feeding Technology Could Boost Cattle, Goat Farming!