The formal testing of the quality of Aqua Feeds formulated by Fil-Am Farmer Scientist Rocky French starts today in three ponds of Catfish owned by businessman William Siao in Libungan, Cotabato.
Kahapon pinuntahan ko personally, kasama si Rocky, kapatid ko na si retired Col Patricio, anak ko na si Dr. Maria Krista at asawa nitong si Chito Solis, ang farm in William upang makita ang virtual feed testing laboratory ng Aqua Feeds na gawa locally.
Inumpisahan namin ni Rocky at Winchell Campos ang project na ito na paggawa ng Aqua Feeds na gamit ay mga local raw materials upang matugunan ang problema ng ating mga fisheries stakeholders sa mataas na presyo ng feeds.
Ginagawa natin ang feeds sa isang maliit na feed mill na may 20-ton per day capacity na pagmamay-ari ng Cotabato Livestock Producers Association sa Kidapawan under a tolling agreement.
Ngayong araw na Ito ay magpapadala kami ng 1-ton ng Taste Enhancer Aqua Feeds na magsisilbing finisher feeds at ibibigay sa mga Hito 15 days before harvest.
Kahapon, nagpahuli si Rocky ng ilang mga samples at tiningnan nya ang katawan at lamang taba ng mga hito para magkaroon ng comparison 15 days later.
Kapag maganda ang resulta, itutuloy na ang commercial production ng Taste Enhancer Aqua Feeds at sisimulan na naman ang bagong formulation para sa grower feeds.
Ang programang ito ay bahagi ng aking adbokasiya to achieve Food Self-Sufficiency in our country.
More Stories
Kapehan With Pareng Gob
Bignay Wine, Vinegar Maker: Ito Dapat Bigyan Ng Ayuda!
OFW’s Feeding Technology Could Boost Cattle, Goat Farming!