January 22, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

Farmers Are Not Philanthropists! They Also Have Families To Feed!

Doon sa mga nagrereklamo sa programang Organic Rice Export ng Mindanao Organic Rice Farmers Council, ito po ang sagot:
1. Ang presyo ng organic black rice na bagong ani ay P40 per kilo. Kumpara nyo yan sa bilihan ngayon na ang pinakamataas ay P15 per kilo sa ordinary palay.
2. Ang mga magsasaka ay meron din mga anak na pinapakain at pag-aralin. Meron din silang mga payak na pangarap na makabili ng denim na pantalon, refrigerator at TV.
3. Ang sabi ng mga marurunong na ekonomista: Farming should be considered as a form of business. Kung ganoon, alin ang mas pipiliin mo – ang produkto na bibilhin lamang ng P15 ang kilo o yong produkto na tag P40 ang kilo at di ka pa gagastos ng abono?
4. Totoo po ang kasabihan that our farmers are heroes who provide food for the country. Pero hindi nangangahulugan na martir sila na maski magkakandakuba, maski di mabihisan at mapakain ang sariling pamilya, sige lang basta mapakain ang sambayanan!
You don’t like our farmers to export their Organic Black, Brown and Red Rice?
Then, buy their produce at premium price!
Kung ayaw nyo, marami namang murang imported rice sa merkado. Kaya lang hindi sigurado kung ligtas ba sa kemikal.
(Photos attached to this post were downloaded from public websites.)