January 18, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

Lower Prices Of Food! Build 12,000-kms Of FMRs, Short Bridges, Fish Landings

Our government needs to focus on the completion of some 12,000-kilometers of Rural Roads, building of small bridges spanning creeks and more fish landings to bring down the cost of food in the country.
Ang mga FMRs, maiiksing tulay at mga fish landings sa mga pook pangisdaan ang syang mga importanteng proyekto na kapag nagawa ay magpapababa ng presyo ng pagkain para sa mga Pilipino.
Kadalasan, nasisisi ang ating mga magsasaka at mangingisda na hindi daw competitive kasi mahal daw ang production cost.
Ang mga taong nagsasabi nito ay mababaw ang kaalaman sa totoong kalagayan ng ating bansa.
The Philippines is a geographically fragmented country with over 7,000 islands.
Para dalhin mo ang produkto ng magsasaka sa isang isla papunta sa merkado ay napakataas na ng gastos.
Ikumpara mo yan sa Vietnam na mula sa southernmost tip ng kanilang bansa, na dati ay South Vietnam, paakyat sa North Vietnam hanggang China ay merong infrastructure connectivity.
Kailangan seryosohin na ng ating gobyerno at tapusin na ang problemang ito.
When I was the Agriculture Secretary, all rural roads leading to the key food production areas had been identified and geo-tagged.
Ready na ang mga data at puede nang gawin kung may kaukulang pondo but there are some issues we have to address.
Dapat hindi na makikiaalam ang mga politiko sa pag-identify kung saan talaga dapat gawin ang mga rural roads and bridges kasi may scientific data na naman based on satellite mapping at production volume analysis.
Pangalawa, dapat isang ahensya na lang ang gagawa ng lahat ng Rural Roads, Bridges and Fish Landings para merong identified responsible agency at wala nang turuan.
Sa kasalukuyan, napakaraming mga ahensya ang may pondo for Rural Roads tulad ng Dept. of Agriculture, Dept. of Agrarian Reform, Dept. of Trade and Industry, Dept. of Tourism, Dept. of Social Welfare and Development, Phil. Coconut Authority at iba pa.
Kung may awa ang Diyos at magtatagumpay tayo sa susunod na eleksyon, ang isa sa mga priority legislations na gagawin natin ay ang pagbalangkas ng batas na gagawa ng Philippine Rural Roads, Bridges and Fish Ports Program.
Kung merong matagumpay na Build, Build, Build na gumawa ng mga naglalakihang infrastructure projects, panahon na para mabigyan naman ng pansin ang Agriculture and Fisheries sector.
It should have a timetable, halimbawa 5 years, at dapat ay buhusan ng kaukulang pondo para matapos na ito at mabigyang kalutasan ang hinaing ng ating mga food producers na kailangan pang gumamit ng kabayo o habal-habal para lang madala ang kanilang produkto sa merkado.
#GovernanceIsCommonSense!
#KungGustoMaramingParaan!
(This video taken in the 48-year-old San Juanico Bridge that connects the islands of Leyte and Samar is an example of how important infrastructure connectivity is in transporting goods from the production areas to the market. Prepared by the Media Team of Biyaheng Senado Ni Manny Piñol.)