January 13, 2025

Emmanuel "Manny" F. Piñol

Official Website

Over 5 Years Ago! Paano, Saan Nagsimula Ang Project Na Solar-Powered Irrigation System

Three days after then President-elect Rodrigo Duterte named me as his Agriculture Secretary, I started a nationwide journey called “Biyaheng Bukid” which brought me up north to Aparri, Cagayan late May 2016.
Doon ko nakita ang isang malaking problema ng kakulangan ng patubig sa mga palayan ng Aparri at karatig bayan samantalang ang lawak ng Cagayan River na iniluluwa lamang ang tubig sa Babuyan Channel.
Malalim ang pampang ng ilog kaya di puedeng paakyatin ang tubig.
Pero naalala ko ang Solar-Powered Water System ng Filipino-American farmer na si Rocky French sa gitna ng disyerto ng Coachella Valley, Southern California na kung saan gumawa sya ng fishponds ng Tilapia.
Rocky drilled three wells in the middle of the desert and pumped out water from a depth of over 1,000-feet using pumps powered by Solar Panels.
So, in the middle of the desert, he operated a huge Tilapia farm.
Binalikan ko si Rocky French at hiningi ko ang tulong nya upang gumawa ng isang prototype ng Solar Powered irrigation System sa Cotabato na ipinakita ko sa Pangulong Duterte noong March 2017.
Nabigyan ng pondo ang program good for 200 units ngunit wala nang sumonod pa which prompted me to ask President Duterte to allow me to negotiate with a soft loan with Israel to irrigate 500,000 hectares
.
The President approved my request and Israel granted a P40-Billion loan to finance the construction of both large and small Solar-Powered irrigation Systems to irrigate 500,000-hectares.
Hanggang ngayon, dalawang taon na ang nakalipas, hindi pa din lumulusot sa NEDA-ICC ang loan agreement kaya wala nang additional SPIS na pinapatayo para sa agrikultura.
Nakakapanlumo at nakakalungkot na hindi naintindihan ng ating mga Economic Managers ang kahalagahan ng irigasyon sa agrikultura.
Pero kung may awa ang Panginoon at magtatagumpay tayo sa ating takbo sa Senado, isa ito sa mga proyekto na pupukpukin ko at susubaybayan.
#NoAgricultureWithoutWater!
#FoodGrowsWhereWaterFlows!
(This video was taken by Ariane Laus using a Go Pro Max in Coachella Valley, Southern California.)